bc

For Love and Blood (Monte Vega Chronicles #1)

book_age4+
116
FOLLOW
1K
READ
CEO
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
small town
enimies to lovers
cruel
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Obsession and revenge—a very potent but deadly combination.

After the death of his sister, Nathan Tryst Alcantara is out for some blood against the Asturias. Ang una niyang target ay si Cahil Asturia, ang nakababatang kapatid na babae ni Langdon na siyang pumatay kay Alcindra.

His obsession with the woman coupled with his hunger for revenge drove him to kidnap her with a plan in mind of drying her up in every way he knows until she's shriveled up but Cahil is one heck of a woman. Tanggap na niya na siya ang gagawing pambayad-utang sa kasalanan ng kaniyang kapatid kaya hinanda na niya ang sarili para kay Nathan.

She will be an offering to finally put the centuries-old feud to rest.

Ang hindi niya napaghandaan ay ang pag-ibig na umusbong sa kanilang dalawa at ang mga konsekwensiyang hatid nito.

In a never-ending saga of love and revenge, will true love still prevail?

Can Cahil stop Nathan from drawing out the second blood?

This is a tale of obsession for revenge.

Of power and dominion.

For love.

For blood.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Nathan, it's time." Hindi ako kumilos mula sa pagkakatitig sa larawan naming dalawa ng nakababatang kapatid kahit narinig ko ang sinabi ni Lucy. It was a picture our parents took during a summer festival in Monte Vega. Nakasuot ang aming prinsesa ng paborito nitong llama costume habang karga ko siya. She was only six years old here. Naramdaman ko ang kamay ni Lucy sa balikat ko. "Tryst, come on. Naghihintay na si Alcindra sa atin. We have to put her to eternal rest now. She has suffered tremendously. It's time, please." "I can still hear it, Lucy. I can still picture everything. I saw her getting killed right in front of me while I did nothing. Namatay siya sa harap ko ng walang kalaban-laban. She was tied down. She can't talk while looking at me... crying." Huminga ako nang malalim. "And do you know what I saw in her eyes? She's scared about dying. She didn't want to die, Lucy. She wants to live. Ang bata pa niya para mawala. She's only twenty, Lucy. She barely lived her life!" "Tryst..." Maingat na ibinalik ko ang picture sa wallet ko at hinarap ang pinsan na namumula ang mata sa pagluha. "I will not let my sister rest in peace until I serve her the head of that Asturia. Lucy, the death of my sister will only remain between the two of us. No one should know about this, not even Zen." May dumaang pagtutol sa mga mata nito pero tumango rin ito tanda ng pagsang-ayon. "Ano na ngayon ang gagawin natin sa bangkay niya? Narito na tayo sa sementeryo kaya mas mabuting itago na lang natin si Alcindra sa musuleyo sa ibaba," suhestiyon nito. "No, I have already prepared everything for her. I will preserve her body first and restore her beauty. Ilang linggo rin ang nagdaan bago natin siya nahanap kaya..." Hindi ko magawang masabi ang pinsalang natamo ng katawan ng kapatid. "I can't bury her in that state. I will not let another Asturia desecrate my kind." "Ikaw ang bahala pero kung ganoon naman pala ang plano mo ay bakit nagpunta pa tayo rito sa Monte Vega? At kung wala ka pang planong ilibing si Cin ay bakit tayo nagpunta dito sa sementeryo dala ang katawan niya?" "To prove a point, Lucy. You know the maze down there. I will need your help." Sinalubong ng nalilito niyang mata ang malamig kong titig. Ilang sandali pa ang lumipas bago nakuha niya ang ibig kong sabihin. Sa isang iglap lang ay nailabas na nito ang b***l at itinutok sa akin. Wala naman akong naging reaksiyon sa ginawa nito. "No, Nathan. Hindi kita tutulungan sa kung anumang kabaliwang pumasok diyan sa isip mo. Itaas mo ang kamay mo kung ayaw mong gawin kitang imbalido!" Ngunit hindi ako kumilos. Nanatili lang akong nakatitig sa umiiyak na mukha nito. "I only need a key, Lucy. Just your necklace." "No, hindi ko ito ibibigay sa iyo. I will not live another day to witness another one of my cousins dying! Stop this madness, Nathan! Kung gusto mong maghiganti, go on a rampage! Kill all of those damn Asturias! Just don't kill yourself, me, and the whole Monte Vega in the process." I looked at her eyes to channel my final decision. "Matagal na dapat natin itong ginawa simula ng inatake nila tayo. Masyado lang tayong naging mabait. Ayoko ng may maging mabait sa atin. I lost a sister because of that damn kindness! I lost my only sister, my baby sister because of that f*****g kindness, Lucy! Sa gagawin ko ay maililigtas ko pa ang lahat ng mga kapamilya natin." Hinakbang ko ang distansiya namin. "Nakikita mo ito?" Itinuro ko ang taglay na mga sugat at pilat sa mukha, sa leeg, at sa buong katawan. "I've been tortured over and over again over the time of my capture. Ipinalasap nila sa akin ang mga hagupit ng isang demonyo pero ininda ko lahat iyon, Lucy. I thought about Alcindra, about Casindra. I thought of you, of all our cousins and our parents. I thought about the future of our family. I live for this family and I will live to see our name being reinstated once again." Lumayo ako rito at tinanaw ang sasakyan kung nasaan ang kapatid. "And I will be able to kill the Asturias one by one in the name of my sister." Ibinaba ni Lucy ang b***l at inabot ang kamay ko. "Nathan, please. Let's just go with the plan." "You didn't see me shed some tears for Alcindra," pagpapatuloy ko habang nakatingin pa rin sa kotse. "It's not because I'm not sad. It's just that I can't. Hindi ako naiiyak kahit anong gawin ko. Pero ramdam ko ang lahat ng sakit, Lucy. Ako na ang nagpalaki sa batang iyan. Ako ang nagpapatulog diyan! Ako ang nagpapatahan sa kaniya kapag umiiyak siya. I am her older brother but I'm a f*****g useless now! I failed in protecting her! I failed as her brother and as a son. Ngayon ay isa na siyang malamig na bangkay na hindi maitsura ang mukha! It's torturing me! I am in so much pain, Lucy! Ni hindi ko na siya magawang tingnan ng hindi ako parang mamamatay! At hindi ko iyon mailabas dahil hindi ako makaiyak! I saw her plunged to her own death. I saw her cry her eyes out for help! Think Lucy. Hindi lang ito para sa akin. All of us will get something from this." Lucy looked down and breathed hard. "Come on. For Alcindra. For Casindra. For all of us. For the family," I persuaded her. "Wala tayong laban sa kanila kung palagi lang tayong magtatago at hihintayin ang pagbabalik ni Femella!" "Nathan," she said, the color on her face slowly going back. "What if... one of us will have the same fate again if I help you again. Remember what happened back then. Hanggang ngayon ay baon ko pa rin ang guilt sa dibdib ko." Kinuha ko ang b***l mula rito at itinapon sa lupa saka ko siya tiningnan ng buong kalamigan. "I don't care about feeling guilty now, Lucy. Alcindra is dead. Patay na ang pinsan mo. Nabigo tayong protektahan siya. Oras na para maging desperado tayo. We are not just losing a war. Buhay na ang nalalagas. Now, decide if you'll help me on your own will or I will see to it that the whole of Monte Vega will not last another day." Nagsukatan kami ng tingin ng pinsan. Kapag tumanggi ito, gagawin ko ang isang bagay na wala pang Alcantara ang nakagagawa. "Ito na ang huli, Nathan. Sa rami na ng pabor na ibinigay ko sa iyo, wala ka ng karapatan na isumbat sa akin ang nakaraan natin. Bury it now together with the help I'm going to award you today." Tumalikod ito papunta sa musuleyo ng pamilya na naiwan ng nakatiwangwang sa loob ng maraming taon. Tinanaw ko ang madilim na kalangitan. "Cin, para sa iyo ito." Pinulot ko ang b***l at sumunod sa pinsan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
17.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.9K
bc

His Obsession

read
97.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook