Chapter 1

2063 Words
Kanina ko pa pinaglalaruan ang naiwang thyme sa plato gamit ang tinidor habang nakikinig sa mga sinasabi ni Luke. He was I guess talking about Yankees, fishes, tennis players, sailboating, women, s*x. Hindi ko na matandaan ang iba pa sa dami. He was just like having a mouth diarrhea sa kadaldalan at kahambugan nito. "After France, we went to South Korea using my private jet. And man, no one told me how hard and lit their clubs are back there. My friends are definitely having a blast and were just so thankful of me that they kneeled at me. One of them even promised her sister for me to f**k. Well, hindi ako tumanggi. Matagal ko namang gustong maikama ang kapatid niya. Tama lang din na ibalik naman nila ang kabaitan ko." He giggled like hell before holding his hands together in the table and looking at me with that disgusted grin on his white face. Sinadya nitong ngumiti nang malapad para makita ko ang dalawang front golden teeth nito. I checked his fashion. Too trying hard to look elite. He looks too old for his age, too boastful for his little achievements, and too confident in his mere power. "I bet you have more exploits during your trips. After all, you are an Asturia." Nagkibit-balikat ako. I was just so bored to death with his presence so I can't help but yawn in front of him. "Definitely a lot more exciting than your so-called exploits. One time, we picked up a random thug in the street and kicked his balls until they exploded." Nginisihan ko siya bago itinaas ang mga paa sa mesa at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. Sumunod ang tingin nito sa rubber shoes ko. It was supposed to be a fancy dinner meeting with him but he's not someone worthy of my hand so I dismissed dressing up for him. I mean, he's just another vulture vying to be a part of my family's influence in politics. "Yeah, yeah. I've heard about this. Asturian girls are naturally rude and without breeding kaya nga ang kinukuha ninyong mga asawa ay iyong may class para naman mabahagian ang lahi ninyo." Nakatiim-bagang na kinuha nito ang baso ng wine at uminom. "Your behavior will change after our marriage. I'll make sure you know how to respect me and my image in public." "Wow!" ang tangi kong naging reaksiyon bago ako malakas na nagpakawala ng tawa. Hindi maiwasang tumingin sa amin ang mga guests sa kabilang mga mesa kaya mas nilakasan ko pa ang halakhak. "I know. It's the first thing you'll learn under my watch. Ang sabi sa akin ni papa ay ikaw at ang kuya mo ang sakit sa ulo sa pamilya niyo. I'll assure them that you'll be submissive once you're with me." "Wow!" ulit ko at pinalakpakan ito. Ni mama ko nga ay hindi ako marendahan. Ito pa kayang kumag na mukhang plastic na ito? "What a tiny d**k energy you're having, Luke. Perfect!" Tumayo ako handa ng iwan ito. Hindi dapat talaga ako pumayag na matuloy ang dinner na ito. I should have been in the field riding my horses or in the forests hunting for some wild animals but my father decided to keep me from going on my own. He's trying to tone me down while searching for my soon to be husband. Husband my foot. Hindi ko kailangan ng asawa na gagawin lang naman akong trophy wife. Baka kapag nainis ako ay siya ang magawa kong trophy. Luke looked at the people embarrassingly. "Take your proper seat and stop making a scene, Cahil." He tried to grab my hand but I stepped back. Humugot ako ng malalim na hininga at pinameywangan ito sa naniningkit na mata. Nag-iisip ako kung saan sa mukha nito ang magandang gawing target. "What an Asturian b***h! Kung hindi lang dahil sa apilyedo mo ay baka kanina pa kita kinaladkad palabas. Cerro Roca ito, Cahil. Hindi ito Monte Vega na pwede mong ituring na kaharian ninyo. Umupo ka." That's when my temper switch is turned on. Without saying anything, I leaped up to the table and pushed Luke's neck down to the floor using my foot. Kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya. Umigik ito sa sakit nang saluin ng sahig ang buong bigat nito kasama ako na kinubabawan siya. Humiyaw ito nang tapakan ko ang pundiyo nito. Galit na sumigaw ito ng tulong sa mga guards nito pero walang nagawa ang mga ito sa isang batalyon na padala ng ama ko. "Alam mo kulang ka kung mag-research. Tama ka na wala kaming masyadong breeding. Tama ka roon pero may nakalimutan ka, eh." Ngumisi ako at napili ang bagong gawang ilong nito. "Nakalimutan mo na medyo mainit din ang ulo namin. Dapat iyan ang una mong inalam bago mo ako hinarap." Itinaas ko ang kamao at walang pagdadalawang-isip na sinuntok ang ilong nito. I felt Jace's hand on my shoulder. Kayang-kaya kong kumawala pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko lang ang bodyguard na ilayo ako kay Luke na nagha-hyperventilate na nang makita ang dugo sa ilong nito. "Bumalik ka uli sa doktor mo, pretty man. Nalamog ko na iyan, eh. Don't worry. It's all on me. I'll pay for all your expenses." "No! My nose! You w***e! My nose!" Dinuro niya ako habang umaatras pagapang, hawak ang ilong. "She assaulted me! Jackson, seize that woman! She dared lay a hand on a governor's son! My nose! w***e! b***h! My father will not let you off the hook for this!" Nagdilim ang paningin ko. Bago pa man uli ako maawat ni Jace ay naipatikim ko uli sa hambog na bloated na mukha ni Luke ang isang matunog na uppercut sa panga nito. I heard a breaking of the bones before the man lost his consciousness. Monte Vega man o Cerro Roca o kahit saan man iyan, wala akong hahayaang tao na tapakan ang pangalan namin. Napangisi naman ako at iginalaw ang mga braso habang tinititigan ang pinsala sa ilong nito. Kulang na yata ako sa practice dahil hindi masyadong nagdugo ang mukha nito. "Jace, remind mo nga ako na magpunta uli sa gym. Kinakalawang na yata ako. Nakadalawa ako ngayon. I used to make guys fall in just one shot." Natawa ako sa reaksiyon ng bodyguard na nakaawang ang bibig na nakatingin sa lasog-lasog na ilong ni Luke. Namumutla ito tanda na baguhan pa talaga ito sa kalakaran ko. Siniko ko si Jace at tinawanan. "Masanay ka na sa akin. Medyo may problema talaga ako sa anger management ko. Anyway, he deserves it." Hinarap ko ang mga tao na shocked na nakatingin sa direksiyon namin. Nagbuntunghininga ako. Isa na namang hindi kaaya-ayang eksena ang nasaksihan nila gawa ng isang Asturia. You know, there is really something with our name and its love for scandals. "Pasensiya na po. Kasalanan po talaga niya. Pinainit niya kasi ang ulo ko. Hindi po maganda ang mga sinabi niya." Tinapunan ko ng huling sulyap ang lalakeng wala pa ring malay. Katabi na nito ang mga guards at ang manager na restaurant na parang hihimatayin na rin sa nerbiyos. In times like this, the best way to do is to fled the scene. Hindi naman niya iyon ikamamatay. Bahala na ang mga tauhan ni papa na trabahuin ang eksena kanina. "Tell mama I'm going home late." Inagaw ko ang susi kay Jace saka binuksan ang pinto ng aking black Porsche nang makarating kami sa parking lot. "Pero Señorita, bilin po ng mama niyo na ihahatid ko pa kayo pauwi." Sinulyapan ko ang lima pang bodyguards na nakatingin lang sa aming dalawa ni Jace. Sanay na ang mga ito sa ugali ko kaya hindi na nila ako pinipigilan. They know they still can't do anything against my wishes. I ain't called the rogue princess for nothing. "Jace, ginawa ko na ang gusto niya. I ate out with that rotten man inside. Dapat may kapalit ang pabor na ginawa ko para sa pamilya. Alis na ako. Tell my mother not to keep awake for me. Uuwi rin ang prinsesa niya." Kinindatan ko siya bago tuluyang sumakay. Sisipul-sipol na pinaharurot ko ang sasakyan palayo. Hindi ako nagkamali ng basa ng sulyapan ko ang rearview mirror. Sumunod nga ang sasakyan ni Jace sa akin. "Oh, Jace. Marami ka pang kakaining bigas." I tripled my speed and took a shortcut at the back of the church in the plaza. Maliit lang ang Cerro Roca kaya alam kong kayang-kaya akong hanapin ng mga guards at ni Jace. "But I know a secret passageway." Itinuro sa akin ng nakakatandang kapatid na si Langdon ang tagong daanan na ito noong una niya akong isinama sa Cerro Roca. Even before my clan saw the potential of this place, Langdon predicted it first and bought many properties here. But now that he's in Spain, I could have all of his houses for the time being. I stopped the car in front of a small hut and turned off the engine. Lumabas ako sa kotse at pinagmasdan ang buong kakahuyan. Wala akong takot na naramdaman. Just a tad of happiness because I know there's no way Jace will be able to find me. The darkness, the forests, caves, and wild animals are my friends. Mas gusto ko pa silang kasama kaysa sa kung sinu-sinong lalake na ka-blind date ko na wala namang ibang gusto kundi ang apilyedo ko lang. "Freedom! At last!" Umupo ako sa hood at tiningala ang buwan sa taas. I grinned when I remembered someone. The man in my mind is as cold as moon. And he's the kind of man that Luke will never be. "Wait." Bumangon ako at kinuha ang cellphone. Laking panghihinayang ang naramdaman ko ng makita ang kabayo sa picture. With renewed determination, I jumped out to the ground and began my journey back to the road. Malapit lang naman dito ang lugar na pupuntahan ko. Their village is just around this corner near the woods. Perfect hiding place. Nakapamulsang binagtas ko ang makipot na daan palabas sa gubat at lumiko sa ika-limang puno ng mangga mula sa kubo. Doon ay may mataas na konkretong bakod na natatago ng mga baging. Hindi naman ako nahirapan kahit medyo madilim. Gabay ko ang buwan at ang kaunting puting sikat nito na naglalagos sa mga dahon. Walang kahirap-hirap na tumalon ako sa kabilang bakod saka napangisi. I can already see the light from the back of his house. Tahimik na tumawid ako sa maputik na daan at naglambitin sa puno ng mansanitas sa tapat ng likod ng bahay. Mula sa sanga ng puno ay itinulak ko papasok ang katawan sa nakabukas na bintana. I smiled when I am inside his room. "That buff," nakangiting bulong ko sa sarili nang ang unang bumungad sa akin ay ang hindi pa natatapos na gahiganteng pulang sculpture na toro sa gitna ng silid nito. Wala akong inaksayang oras. Hinubad ko ang sapatos, iniwan sa shoe rack at lumabas sa sala. There, I found the silver man on the floor, shirtless, in his glasses, in front of his dying laptop, typing like crazy. I took out my weapon from my pockets and threw the dagger at the back of the man. He moved a little, caught the knife in his hands, and thrusted it on the center table. Umiling ito at balewalang bumalik sa ginagawa sa laptop. "Stop burglarizing my house, Cahil. Go home. I'm pretty sure your mother is worrying for you." Impressed, I crossed my hands on my chest and laughed. "You left the window open, man. You just invited a burglar like me. Akala ko nga ay hinihintay mo talaga ako. I thought you're waiting for our unfinished business to have a second chance." Lumingon sa akin ang lalake, ang mga mata ay kasinlamig ng buwan. "I'm waiting for anyone but you. Uwi na." His eyes went back to his laptop. Doon ako nainis. I don't like it when people don't give me attention when I'm talking to them. Inilabas ko ang pangalawang kutsilyo saka ako umigpaw sa sofa at walang pagdadalawang-isip na idinikit ang kumikinang na punyal sa leeg ng lalake. He stared at me. I gave him a wide grin when a trickle of blood oozed out from his neck. "Wala naman akong iba pang dahilan para dalawin ka rito. I just want a rematch. I want my horse back, Nathan Tryst Alcantara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD