Chapter 2

1699 Words
Nathan Tryst Alcantara. Of course, the name rings a bell. The cruel genius. The cold man behind the collapse of my clan's site years ago. The brawny brainy man and a member of our rival family, the Alcantarans. He's the reason why Langdon has to go to Spain and why I have to marry early. That's why I feel so competitive when I'm around him. Sa kaniya ko lang naramdaman ang ganito. Na para bang kailangan ko siyang talunin palagi sa lahat ng bagay. I feel like I will learn so much from him more than I can in my own family. Ever since he beat me in that polo match, the only thing I excel the most, I swore to myself that I won't stop until he experienced what it was like to lose in my hands, by a woman he once looked down. "Careful, Cahil. You might hit a dangerous vein there." Sumandal ito sa sa sofa at blangkong tinanaw ang natumbang laptop nito sa likod ko. "Hindi ko pa na-i-send ang document doon." I grinned. "I'm not so sure if that should be your number one priority right now." I rotated the knife's handle and watched as more blood flowed out from the cut on his skin. "Talaga ba? What should I be more concerned about? That an Asturia might not get out of my house alive?" he said, bored and tired. Nawala ang ngisi ko nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. I hardened in his lap when I saw the dagger on the table on the way to pierce my heart. Kailan niya iyon nakuha at naiumang sa puso ko? "A lady playing with knives. Not so lady-like." Kinuha nito ang kutsilyo sa kamay ko at hinawakan ang bewang ko at inilipat sa sahig. All the while I'm asking myself how the f**k did he do that. Hinawakan ko siya sa braso, pilit na pinatingin sa akin. "I want Luck back. Akin iyong kabayong iyon. Regalo iyon sa akin ni kuya." Langdon is just a year older than me. Hindi ko na sana siya gustong tawagin na kuya but seniority matters to my family kaya nakasanayan na. Kahit siguro isang araw lang ang tanda niya sa akin, tatawagin at tatawagin ko pa rin siyang kuya. Nate reached for some tissues and wiped the blood on his neck. "Well, too bad princess. Natalo ka. And you lost it to me. The horse is mine now. Nakuha ko iyon sa tamang paraan. At least accept your defeat. Magkaaway man ang pamilya natin pero hindi dapat nito alisin ang kababaang-loob natin. Basic value. Accept defeat. Be magnanimous." I crossed my arms and leaned my head backwards. His wide bare shoulders are distracting me. "No, you didn't. Nandaya ka. I was supposed to hit that ball and make a goal. You tricked me!" "It's a game. Was I just supposed to mount my horse and watch you take a goal? Hindi ko na problema kung bakit hindi mo alam ang terrain." Naiiling na inayos nito ang laptop at kinamot ang ulo. Nalukot ang mukha ko sa inis. This man. He's acting like he's so innocent. "Now that's my point. You picked the place. Had it been a mutual choice, I would have won." Inayos nito ang salamin saka nagsimulang buksan ang likod ng laptop. "Cahil, noong isang taon pa iyon nangyari. Try moving on. Libre lang iyon. Hindi iyong ginugulat mo ako kada sumusulpot ka dito na parang kawatan." "You like it when I come here. Aminin mo. Kung hindi, hindi mo iiwang bukas ang bintana. You're low key expecting me." Tumayo ako at inilibot ang tingin sa maliit na bahay. How humbled they have become after their infamous fall. Ang dating karangyaan na hirap na hirap ang mga magulang namin na abutin ay biglang naglahong bula para sa mga Alcantara. I do not approve of the way my family is hunting these people but I can't do nothing. Isa lamang akong babae sa pamilya na kailangang mag-asawa ng isang lalaki na magdadagdag ng kapangyarihan sa aming angkan. Mas mabuti pa ang mga babaeng Alcantara at hindi sila parang mga karne sa palengke na inilalako. May kalayaan sila kaysa sa amin pagdating sa pipiliin nilang mamahalin sa buhay. "Hindi ibig sabihin na bukas ay iniimbita na kita. Uwi." May kinalikot itong kung ano sa laptop bago ibinalik ang cover. "I won't mind if you sneak into our house. Iiwan kong bukas ang bintana ng kwarto ko para sa iyo." Hinubad nito ang salamin at tumayo. Hindi ko maiwasang tingalain ito sa tangkad at laki ng build ng katawan. He's buff, more of like the Henry Cavill type of body. "No, thanks. I could make my way in." Nilagpasan niya ako at nagpunta sa maliit na kitchen para kumuha ng tubig sa nangangalawang na na ref. Bumalik naman ito agad at naupo sa sahig at ini-on ang laptop. Tinabihan ko siya at inginuso ang iniinom nito. "Walang para sa akin? Wala man lang bang patubig ang isang Alcantara? You're a man of culture, Nate. Nakalimutan mo na ba?" Hindi niya ako pinansin at inubos lang ang tubig. "Look who's talking. You're an uninvited guest." Natutok ang mata nito sa mantsa sa white t-shirt ko. "Steak sauce. You're a woman of culture, Cahil. Nagdala ka man lang sana ng takeout." Natawa ako sa sinabi nito at nagkibit-balikat. "I didn't bother. Nakalimutan ko na matapos kong patikimin ng suntok ang ka-date ko kanina. The steak would only make me remember his bloodied nose but it's so satisfying to see him bleed. Hayaan mo at dadalhan kita sa susunod. I could buy an entire restaurant for you kapag pumayag ka sa rematch na sinasabi ko." He adjusted his glasses and grunted. "Not gonna happen. Umuwi ka na. Don't make your mother worried." "May ilang oras pa bago umuwi ang kapatid mo. I can still stay here. You know for old time's sake." Tinitigan ko sandali si Nathan na panay na ang galaw ng mga daliri sa ibabaw ng laptop. He's got long fingers with big and veiny hands. I wonder... "You know I'm interested in you, Nathan. Ikaw pa lang ang lalaking hinangaan ko ng ganito. Not romantically. I like you for your brain, your skills and talents. Not anyone can be so good in everything. I mean, oo magaling din ang kapatid ko pero I can't possibly compete with him. Masyado siyang masikreto, tahimik. Kulang na lang ay magmukmok. Hate consumed him now." "Flattering words, Cahil. Too bad I don't sleep with an enemy. Umuwi ka na." Umiling ako bago humilata sa sofa at itinaas ang mga kamay sa ulo. I crossed my feet and sighed. Walang sinuman ang makakapilit sa akin na umalis. I'm enjoying being with this man. "It's still a question to me. Bakit mo ako hinahayaang makalapit sa iyo. Don't you see me as an enemy?" I started to ask questions again. "Can't you see, Cahil? I am using you. Every word you say, you slowly fell into my trap. I could gather information from you without you knowing it. And you give me valuable information." "Pwede kong isumbong kina mama at papa ang kinaroroonan niyo ngayon," banta ko rito. "I expected a couple of your guards to ransack this place as soon as you left here last month. No one came. Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa iyo kung bakit hindi mo pa kami isinumbong? Your brother will be so happy once he finds out my location." Bumangon ako sa sofa at tumabi rito. Sinadya kong idikit ang braso rito at inilapit ang mukha rito. Hindi ito tumigil sa ginagawa kahit na halos yakapin ko na siya. Ramdam ko na ang galaw ng mga muscles nito sa braso. "Isa pa iyan. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo dati ni kuya, Nate? He always talks about unpaid debts whenever we talk about the families rivalry. I assumed he's talking about you dahil ikaw lang naman ang nag-iisang Alcantara na nakabangga niya. Ano nga ba ang nangyari noon? Why did he hate you so much? Haven't known someone he hated that lividly until I mentioned your name once on his face." Nilingon niya ako. His eyelashes fluttered once, twice consecutively and then he shrugged. "Your brother misunderstood things, Cahil. But I don't have the time and the reason for clearing it out to him. Let him hate me. And you should hate me too." He stared at me with his cold eyes. I stared back, our breathes fusing as one. This man is one hard code to c***k. I can't read anything in his eyes at all. "Kuya?" tawag ng mahinhing tinig mula sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa saka sabay na tumingin sa nakapinid na pinto. Alertong tumayo si Nathan. "A minute, angel," sagot nito at sinenyasan akong lumapit dito "Okay," sagot ng kapatid nito. Hinila niya ako sa braso papasok sa silid nito. "Saan ka nga pumasok?" Tiningala ko siya. "Sa bintana?" Walang kaabog-abog na kinarga niya ako na parang sako sabay takip ng bibig ko para hindi makasigaw. Nanlalaki ang mga matang napakapit ako sa balikat nito. He deposited me on the sill of the window while supporting my waist. Napalunok ako nang hinapit niya ako palapit para maabot ang isang sanga ng puno. Kinuha niya ang kamay ko at ipinahawak ang sanga. "You used it to come up. Use it to come down." Iyon lang at isinarado nito ang bintana. Pinanlakihan ko siya ng mata pero binalewala niya lang ako. Nang mainis ay kinatok ko ang salamin. "Hoy Alcantara! I'll be back. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ibinabalik sa akin ang kabayo ko." "Shh! Shut up. Uwi," mariing wika nito na parang nagpapauwi ng aso. I pointed a finger at him. "Babalik ako. Next time sa pinto na talaga ako papasok." Iginalaw nito ang kamay sa akin na parang nagbubugaw ng langaw. "Yeah... Yeah... The next time you burglarize my house, magdala ka naman ng inumin. I prefer some cheap beer, princess. Now leave." Inirapan ko siya bago tumalon pababa. Nilingon ko pa ang bintana bago umalis pero wala na roon ang binata. Nakapamulsang nagsimulang maglakad na ako pabalik sa gubat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD