Chapter 3

2269 Words
"Hija, how's your dinner with Jude? How did you find him? He graduated in an Ivy school in US. He's educated and has an impressive family background. I'm sure he's good enough for you." I cut my baby potatoes in half and stuffed all of them in my mouth. We were having dinner together as a custom of the Asturians every end of the week. Kagagaling ko lang din mula sa dinner kasama si Jude pero kailangan ko na namang kumain kasama ang mga magulang. Tumango ako sa tanong ng ina. Jude is kinda alright compare to Luke. Matalino ang lalake at hindi ako ininis sa buong hapunan namin. Iyon nga lang, ayoko ang mga pasimpleng titig niya noong nasa loob kami ng iisang sasakyan. Kung hindi nga lang improper ay nadukot ko na ang mata niya. Buti at nakapagtimpi pa ako. "Laura, call the Hernandez and schedule their wedding right away," utos ng aking ama mula sa kaibayong upuan. Nasamid ako sa iniinom na wine at gulat na nag-angat ng ulo rito na nagpatuloy lang sa pagkain. Wala itong pakialam sa bombang ipinasabog nito at nagpanginig sa buong kalamnan ko. Naibaba ko ang kopita at tensed na ginagap ang kaliwang kamay. "W-What? Pa? Bat naman agad-agad? Aren't you rushing it too much? Isang beses pa lang kaming nakalabas ni Jude. What's my guarantee that he will not shame me like what Luke did?" "I'm a good judge of people, Cahil. Jude is what our family needs at the moment. One night of talking is enough. Hindi naman kayo mag-aasawa para sa inyong kapakanan. You'll do it for the family." My father, Luisito Claudio Asturia, is a man of a few words. He's a living testament of the trademark of the older Asturian generation. Ambitious but silent. Proud and silent. Batas ang kung anumang desisyon nito sa bahay. Mataas ang tingin nito kay kuya dahil sa katalinuhan nito. But the rein went to Kuya Luca being the eldest men of the grandchildren. My father thought he could take an upset because of Langdon's intelligence but it all disappeared when my brother slowly receded back to his room. Napabayaan nito ang cyber security ng pamilya kaya ipinadala sa Spain para mag-aral uli. But I know my brother did more than study there. Lumunok ako para sumagot. "I know, papa. I'm very well aware of that. Pero sa palagay ko ay dapat mauna si Kuya Langdon na mag-asawa. His marriage with the Yusons should be prioritized first. Mas malaki ang benefit sa pamilya." Sa susunod na linggo ay babalik na dito ang kapatid ko. Kasabay nito ay ang pagbabalik niya sa pamilya at sa mga responsibilidad na iniwan nito. Hinawakan ni mama ang kamay ko sa ilalim ng mesa at nginitian. "Hija, your suggestion is worthy to be taken into consideration pero intindihin muna natin ang kuya mo. It would be difficult for him to go back here in Monte Vega and suddenly get married. Besides, hindi pa nakikilala ni Langdon si Claire na siyang napupusuan ng papa mo para sa kaniya. But your father will not married you off right away. Right, honey?" Tumingin ito sa asawa at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. My father's words may be the law but my mother can easily bend it. She can be manipulative at times. Alam kong alam nito na hindi nito kayang pigilan ang pag-aasawa ko ng maaga pero alam kong kayang-kaya nitong patagalin pa ito ng ilang mga buwan. Tumikhim ang ama ko at nagpatuloy sa paghiwa ng karne. "Honey, you know papa. He wants to have the land in Cerro Roca that only Jude can give to us. It's in his name and we need it for copper mining." Bumaling sa akin ang ama. "Hija, I'll give you only two months. Tama ang mama mo. Hindi pa nakikilala nang maayos ng kapatid mo si Claire. Mauuna kang magpakasal. It will be just a marriage in the paper and I'll make sure Jude will not force you into submission. Walang Asturia ang naaagrabyado lalo na ang aking bunso. You may or may not produce an heir. It's up to you." "Two months," bulong ko sa sarili. Mababawi ko ba ang kabayo ko sa loob ng dalawang buwan? Pinisil ng ina ko ang kamay ko at nginitian ako. Natapos ang hapunan namin na wala akong ibang kinain kundi patatas. Pagpanhik ko sa silid ay agad akong dumiretso sa balkonahe at tinanaw ang ekta-ektaryang lupain namin. Nakatayo ang mga mansion ng mga pamilya sa kabuuan ng Monte Vega. Ang sa amin ay limang palapag na mansion na gawa sa marmol at bato, base sa sinaunang Spanish design mula sa ninuno namin na arkitekto. The wind blew and a sweet scent of flowers flirted with my nostrils. I sighed and stared at the far distance, to the abandoned estates of the Alcantarans. Akala ko dati ay magiging tahimik na ang buhay kapag nagtagumpay kami na mapalayas sila pero mas lalo lang naging gahaman ang pamilya ko. Gusto na nilang angkinin ang buong Monte Vega at ngayon nga ay sa Cerro Roca naman nakatuon ang kanilang mga mata. They wanted to achieve everything all at once, to solidify their name on top. But I don't want that. I just wanted to be an environmentalist, explore caves and forests, play polo, and stare at the moon. I wanted to be a professional polo player but instead I took up Fashion Design in college in Paris because women in our family need to be a symbol of class, of finesse, in anything for beauty and fashion. The Alcantaran girls are into classical music so we have to be doing something within the line of arts too. Now, I don't even remember the things I've learned in school. I didn't get quite into it because I don't like it. I f*****g hated it there. Behind my anger management issues is a typical woman who wanted to do things on her own, decide things for her own life, befriend anyone I like but the war of the two families is making it hard for me to do the things I love. Oo at nanalo nga raw kami laban sa mga Alcantara pero nanalo nga ba talaga kami? Nakakulong pa rin kami sa mga tradisyon at paniniwala. Threatened pa rin ang karamihan sa amin na makabalik sa kapangyarihan ang mga Alcantara that's why there are countless marriages and remarriages in the family. Wala pa rin akong kalayaan na akala ko ay makukuha ko kapag natalo ang mga Alcantara. "Cahil! Yooho! Cahil!" Tumingin ako sa ibaba at napangisi nang makita si Kuya Sergio na kumakaway sa akin at nakasakay sa black Arabian stallion nito na si Muck, kapatid ni Luck na naiwala ko kay Nathan. Suot pa nito ang damit na nakita ko sa update ng kaibigan nito kagabi. "Kuya Serg! Nakabalik ka na pala? How's Myla?" tukoy ko sa alaga nitong daga na nagkasakit. Galing pa itong Japan at umuwi lang dito para alagaan ang daga nito. Mangiyak-ngiyak pa nga ito nang tawagan niya ako para ipakiusap na bantayan muna si Myla. "Maayos na siya. Masarap na ang kain niya ng gulay. Halika. Baba ka. Let's race!" "I'm not in the mood. Naubos ang lakas ko kanina sa pakikipag-blind date sa mga kauri mo." "Then just accompany me. Punta tayo sa gubat. May ibibigay ako sa iyo." Sa narinig ay agad kong isinara ang pinto at sumampa sa railings ng balkonahe. Tinalon ko ang unang palapag at nakangising naglakad papunta rito. "Hello, handsome." Hinalikan ko ang ulo ng kabayo at hinaplos ang mane nito. Muck is such a majestic horse just like Luck. Inilahad sa akin ng pinsan ang kamay nito at inalalayan akong makasakay sa likod ng kabayo. And in the minutes that follow, I again felt the freedom I always feel every time I'm on top a horse. Beaming liberty. Intoxicating. We stopped at the clearing between the boundary of the lands of my family and the Alcantarans. Hindi ko maiwasang ma-excite nang makita ang malaking kahon sa gitna ng damuhan. "Wow, Kuya Serg! I didn't know you know that I would do anything to have this," ani ko sa kumikinang na mata habang hawak sa kamay ang compound bow. Matagal na akong naghahanap ng ganito. I have many of these bows actually but I'm looking for something that suited more to my taste. And what's in my hand fitted my personality perfectly. It's metallic black with my name embossed on it. "Binabawi ko na ang bansag ko sa iyo. Hindi ka na kuripot. Ikaw na ang pinakagalanteng pinsan ko. How much was this? You actually took your time in customizing it for me? Aww, you are so sweet, kuya." Tinesting ko ang pagpana at inasinta ang puno na pinagtalian nito kay Muck. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ko palayo. "Hoy! Hoy! Find some other target. Not my Muck." Tumatawang ibinaba ko ang pana at hinaplos ang pangalan ko. If I'm not a polo player then I could be an archer. I'd played in a professional one when I was in high school before my mother found out and made me quit. "Thank you, kuya. It means a lot." "Ah Cahil, actually, that's not my gift." May inabot itong isang maliit na kahon sa akin. "That's my gift to you." Maingat na inilagay ko sa damuhan ang pana at binuksan ang binigay nito. Nawala ang ngiti ko. I looked at him disappointingly and shook my head. "Daga. Kuya naman. Daga na naman. Last month, palaka na keychain ang binigay mo sa akin. Puno na ang isang buong cabinet ko sa mga regalo mo na ganito. If this is your gift to me, then from whom this bow from?" "It's from your brother. Nagkita kami sa Japan ni Langdon. Ipinadala niya sa akin para sa iyo." Napakurap ako sa nalaman. Pinulot ko uli ang pana at inilagay sa kandungan. Buti at naaalala pa niya na may kapatid siyang naiwan dito. Akala ko ay tuluyan na niya akong kinalimutan nang magpunta ito sa Spain. He didn't answer my messages and even my calls. "Maybe he already knows that papa will marry me off. It's his gift." Natahimik ang pinsan sa tabi ko. I sighed and looked at the stars in the night sky. Even if I want to ask for his help, nothing can be done. "My cousins are so lucky to have their big brothers. Ely has Ymir. Margaery has Keon. Even Caitlyn has Kuya Luca and you, Kuya Sergio. I have none. Kuya Langdon left me all to myself. He didn't fulfill his promise to me. He told me that he'll make sure that I will not be married off for our family's sake. Naniwala ako sa kaniya pero iniwan niya ako rito. He should come home. He should get married first before me. I didn't love the guy. I barely even know him. Kuya, I don't want to be married! I'm only 24!" Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng mata kaya huminga ako nang malalim. Nasulyapan ko ang pana. "I don't want this bow. I want my brother back." Umusod palapit sa akin ang pinsan at tinapik ang balikat ko. "Cahil, don't get too worked up on it. Kakausapin ko ang kuya mo tungkol dito. He's coming home next week but I doubt if he'll be staying here in Monte Vega. I think he'll be in Cerro Roca. I'll go there tomorrow to do something for him." Humiga ito sa damuhan at itinaas ang kamay sa ulo. Natigilan naman ako at tiningnan ang pinsan. "Sama ako. It's been a month since I went there. Gusto kong puntahan ang isang property doon ni kuya. You can make an alibi for me. Masyadong hinihigpitan ako ni papa sa ngayon." Tumagilid ng higa si Sergio at pumikit. "I can do that but first kailangan mo akong bantayan ng mga isang oras. I need to sleep. May nakitang white lady si Ymir dito noong isang buwan. Panain mo kapag lumitaw." Natawa ako. Matatakutin talaga ang pinsan kong 'to. Naihi nga ito sa pantalon noong isang beses na nakatuwaan naming magpunta sa horror house noong mga bata pa kami. "Sana nagpahinga ka na lang sa bahay niyo. You could have given me this tomorrow." "You know I don't like being in the house. Ang tahimik." My smile dropped. How could I forgot about it. Kinuha ko uli ang pana at itinaas. Tinarget ko ang buwan. Lumitaw ang mukha ng silver man. I grinned. I wanted to see him again, annoy his unemotional face, and maybe make one of his veins bleed again. Medyo matagal na rin ang isang buwan. Kinabukasan ay nagpunta na kami sa Cerro Roca. Nagpaalam ako sa pinsan na mamamasyal. I brought a dozen of canned beer with me and went straight to Nathan's house. This time, I chose to ring the doorbell. But no one answered so I took my own way. Dumaan ako sa bintana pero wala talagang tao sa loob. I just went into the kitchen to put the beer in the ref. Bubuksan ko na sana ito nang umagaw sa atensiyon ko ang post-it note na nakadikit sa ref gamit ang magnet. "Put the beer in the freezer. I like it iced," basa ko. Napapailing na sinunod ko ang gusto nito saka naghanap ng ballpen at sinulatan ang likod ng papel bago idinikit uli sa ref. Inilibot ko muna ang tingin sa kabuuan ng bahay bago nagpasiyang umalis. I wonder where did he go and when he will come back. I just hope it's sooner because I don't have much time left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD