Twenty-eight AURA kung aura kaming dalawa ni Belle. Habang karay-karay ang aming mga anak papasok ng gusali. Napapatingin tuloy ang mga tauhan ng company sa amin. Of course, kilala ng mga ito si Belle and Caven Love, her son. Kami naman ng mga anak ko, titiyakin kong kikilalanin din kami ng mga ito. Sa private elevator pa kami sumakay kaya naman mas naging maugong ang bulungan. "Kapag nakita mo si Tanya mamaya, hihilain ko agad ang mga anak mo. Para hindi nila makita ang evil side ng kanilang ina." Bulong ni Belle sa akin. "Tama, gawin mo nga 'yan. Para naman makatiyak ako na hindi ma-a-adapt ng mga anak ko ang pagiging basagulera ko." Ngumisi pa kaming pareho. Pagbukas ng elevator, hawak ko sa magkabilang kamay sina Hiraya at Halina na excited na excited makita ang Papa nila. "Girl