Twenty-nine "Ang wild n'yo masyado. Tsk, mamaya nga yayayain ko rin si Paris." Bulong ni Belle. Gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil doon. Pareho kaming nawala sa control ni France. Gumawa pa nang kahalayan sa office nito. Pero syempre para hindi mapahiya, taas noo lang. Buti na lang din may extra kami palaging damit ng mga bata sa sasakyan. Kaya nakapagpakuha ako ng underwear sa Yaya. "Para kang kamatis sa pula mo ngayon, kanina wala kayong pakialam sa ginagawa n'yong kababalaghan sa office ni France." "Stop, Belle!" nahihiya na talaga ako. Pero 'yong bunganga ng isang ito, kelan ba magpapaawat? Nakuha pa nga nitong ngumisi saka itinikom na ang bibig nang lumapit si Caven Love rito. "Papa, gusto ko ice cream!" dinig kong sabi ni Hiraya sa ama nito. Nakakandong ang dalawang bata s