Thirty-two KUKUNIN KO LANG si Mommy, kapag naitago ko na ito at tiyak ko nang ligtas ito ay titiyakin kong malilintikan sa akin ang babaeng iyon. Tiyak na nasaktan ko na naman si Carmela nang umalis ako at wala man lang paliwanag kung bakit kailangan kong umalis. Kailangan ko rin kasing magmadali upang makatiyak sa safety ni Mommy. Pagdating ko sa mansion, inabutan kong masayang nagkwekwentuhan ang mga ito. May mga tauhan si Tanya sa labas ng mansion, tiyak na hindi iyon alam ni Mommy. Hindi rin naman lumalabas-labas ang mommy. Halata sa mukha ni Tanya ang tuwa nang makita ako. Pero blanko lang ang expression ng mukha ko. Mabilis akong lumapit at hinaklit ang braso nito. "F-rance?" takang tawag ni Mommy dahil sa ginawa ko. "Mag-uusap lang kami ni Tanya, Mommy. Go to your room.