Thirty-one NAGTATAKA KONG PINANOOD si France na dere-deretsong lumakad palabas ng mansion. What's going on? Ano ang pinag-usapan nito at ni kuya? "France!" tawag ko sa lalaki. "Papaaaa!" sigaw ni Hiraya. Ngunit tuluyan nang lumabas si France. Mabilis akong sumunod dito. Pero sinenyasan ko ang Yaya na bantayan muna ang mga bata. "Franceeee! Sandali!" habol ko rito. Nakita ko ang takot sa expression ng mukha nito. Pero mabilis din naglaho at mas piniling sumakay na sa kotse nito. What's going on? Kinalampag ko ang bintana ng sasakyan nito. Ngunit mabilis na nitong pinausad iyon. Anong nangyayari? Change of mind? Iiwan na ba n'ya kami? "F-rance!" tawag kong muli, ngunit wala na ring nagawa pa. Napakagatlabi ako, upang pigilin ang umiyak. Tumatahip nang mabilis ang dibdib ko. Si K