Puno ng pag-asa ang puso ni Heather na sana ay tuluyan na ring nahulog ang puso ng lalaki sa kaniya. Dahil siya, pilit mang itanggi ay gusto na niya nito noong una pa lamang. Sino bang babae ang hindi magugustuhan nito. Mayaman, guwapo at mabait. Oo pangit ang nakaraan nito at aminin na nating kay pagkasadista ito sa kama pero hindi noon nagawang pigilan ang puso para tuluyang mahulog rito. "Tutal ay mukhang maayos ka naman na. Baka bukas pwede na nating papuntahin ang wedding coordinator natin to plan for our wedding. Gusto kong pagpunta natin sa graduation ng kapatid mo ay masabi na rin natin sa parents mo,” maya-maya ay turan ni Xian kahit sa likod ng isipan ay may pagtatanong kung bakit magkasama sina Jerome at Heaven. Natatakot siya para kay Heather baka nakikipaglapit ang lalaki rit