Kapwa lamang sila nagkatitigan ng babae tila walang nais sumagot sa tanong na iyon ni Xian. Ngunit naunang bumawi ang kasamang babae. Nakita niyang agad itong tumingin sa lalaki. "Wala naman Xian, nag-uusap lang kani tungkol sa ilang detalye ng kasal ninyo,” pagsisinungaling nito saka muling tumingin sa kaniya ng matiim. "Oh yah, nag-uusap lang kami.” Segunda niya naman sabay diin ng salitang nag-uusap. "Okay I think, everything is done. Thanks Mrs. Mendez," pormal na tawag ni Xian sa babae. Napangiti si Heather sa tinawag ng lalaki sa babae. Ibig sabihin lang noon na pinamukha nitong kasal ito at hindi na pwedeng maglandi sa iba. "Thank you Mrs. Mendez, nice to meet you.” Segunda kay Xian saka ngumiti rito. Nakita niya ang pagngalit ng mukha nito pero mas lalo niyang inasar ito. "Oh