"Anak, ano bang nangyayari sa inyo?" Maang na tanong ng ina. "Nag-away ba kayo? Wala pa rito si Xian. Dapat nga kanina pa siya rito," ani ng ina. "Ate!" Malakas na tawag ng kapatid na kalalabas lang ng simbahan na hawak pa ang cellphone na tila may kausap. "Anong nangyayari?" Malungkot na tinig nito. Hulas na ang make-up gawa ng pag-iyak. "Tahan na, hintayin natin siya saglit." Sabi ng amang pilit kinakalma ang sarili kahit bakas sa mukha ang nagsisimulang pag-ahon ng emosyon. "Itay kasi si Jack po eh. Nilagyan niya ng bomba ang sasakyan ni Xian. Tapos—tapos—" hindi matapos-tapos na turan saka humagulgol. "Tapos ano anak?" ani ng ina na tila naiiyak na rin. "Blackmail niya ako. Humingi siya ng dalawang milyon," aniya na nanlalambot. "Hindi ko matawagan si Xian," iyak niya habang hawa