Kahit nahulas na ang kaniyang make-up ay hindi matatawaran ang kasiyahang nadarama ng makita ang lalaki sa may tarangkahan ng simbahan. “I'm here,” bulong pa ni Xian sa kaniya ng marating nila ang altar. "Father, ituloy po natin ang kasal,” turan ni Xian sa pari. Ngumiti naman ito at sumenyas sa mga kasama nito at doon ay sinimulan na nila ang seremonyas. Hindi man maganda at masaya ang naging takbo ng kanilang kasal dahil kay Jack ngunit nagawa naman nilang mairaos. Napuno ng galak sa bawat bisitang naroroon ng sa wakas ay natapos din. Isang halik ang kinintal ni Xian sa kaniyang labi matapos silang magpalitan ng vows. Sa tagal ng kanilang paghihintay ay alam na nilang ang ilan ay gutom o nababagot na kaya mabilis na nilisan ang lugar at nagtungo sa hotel kung saan ang kanilang rece