No Saimon is like a hell. Hindi ko alam pero sobrang na bobored ako sa paggising ko sa umaga na alam kong walang Saimon. Tamad na tamad akong pumupunta sa Star University, pinipilit kong maging masigla pero hindi ko magawa. Kung dati ay bago ako umuwi dumadaan muna kami ni Saimon sa mall o kung san san pa. Pero dahil wala si Saimon ay umuuwi ako ng diretso. Gusto ko man sumama sa mga kablockmate ko na sa gala ay hindi ko magawa dahil nahihiya. Hinihintay kong ayain nila ako na muka naman hindi mang myayare. Tatlong araw na kong panay bahay at school, puro ganon ang nangyare. Sa gabi mag-uusap kami ni Saimon tungkol sa araw ko. Paggising ko ng umaga ay icha charge ko ang cellphone ko dahil sa nalobat. Mabilis kong binuhat ang bag ko at naunang lumabas pero napahinto ako sa tawag ng is