TWENTY THREE

1280 Words

Mabilis ko binaba ang mic ko at saka pumunta sa tabi ni Anisa. Narinig ko ang mahinang tawa nya pero agad nya ko tinakpan para hindi makita ang muka ko. Tumayo na kami at naging Ladyguard ang mga kaibigan ni Anisa na nakapalibot sa'kin dahil sa nangyare. Hanggang sa labas ng mall ay hinahabol kami kaya naman nang maipasok ako sa kotse ay nakahinga na ko ng maluwag. "Hindi ko aakalain na may mangyayareng ganon." naiiling na sabi ni Anisa. "Patay ako kay daddy." kinagat ko ang ilalim ng labi ko at huminga ng malalim. "Sorry, hindi ko alam." umiling ako kay Anisa. "Salamat sa inyo." nakangiting sabi ko. Nagsimula na umandar ang sasakyan para maihatid ako sa bahay. Kulang isang oras ay saktong madilim na makarating ako. Sa pagbaba ko pa lang pinto ay agad na ko sinalubong ni Angelo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD