Isang off shoulder na puti ang suot ko na hanggang kalahating hita at isang sling shoulder bag black na galing sa London. Inayos ko ang bangs ko at mahabang buhok ko na itim. Inikot ko ang sarili ko at saka kinuha ko ang isang three inches heels na itim. "Ate, tara na." Tumingin ako kay Lana na pareho ng suot ko. Gaya ng tuwing aalis kami, lagi kaming pareho ng suot at lagi akong naiinis sa tuwing nangyayare 'yon. Pero noong nasa London ako lagi kong hinahanap ang presensya ng kapatid ko. Yung kakatok sya para ipakita sa 'kin ang mga bago nyang damit. Yung ipapakita sa 'kin ang parehong kaming damit na suot. "I miss you, Lana." nakangiting sabi ko kay Lana. "I mis you Ate." Mabilis syang lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisnge. Sabay kaming lumabas na dalawa at bumaba. Nakita