Hinila agad ako ni Lana papunta don at ako nama ay hindi inalis ang titig kay Saimon habang papunta don. Gusto ko syang titigan sa malapitan gaya ng ginagawa ko. Gusto kong yakapin sya habang nakaupo at ang kamay nya ay nakaalalay sa likod ko. Gusto kong halikan ang pisnge nya at idikit ang aking ilong sa kanyang pisnge. Gusto ko sya amuyin pero alam kong kahit kailan hindi ko na muli magagawa 'yon. "Hi!" Napatingin silang dalawa sa 'kin ng makita ako. "Kuya? May pasok pa ko." "Huh? Summer?" she nodded. "Nag-take ako ng ibang subject para naman pag may pasok na? Konti na lang subject ang ipapasa ko." napatango ako sa kanya. "Awwt! Ate, my stomach." "H-Huh? Teka!" "Ako na bahala kay Lana, Angel. Ikaw muna dito, nag text sa 'kin si Lander na nandon daw sila Penshoppe. Ihahatid ko na