At least pinaramdam ko kay Saimon lahat ng nararamdaman ko at kung gaano ko sya kamahal, kaimportante sa akin. Kahit natatakot at kinakabahan ako ay ayos lang sa akin. Siguro nga kung ayaw ni daddy sa relasyon namin ay wala na kong magagawa. Kailangan ng matapos 'to ang meron samin ni Saimon. "Natatakot ako." bulong nya sa akin. "K-Kaya natin 'to." pagsisinungaling. I am sorry, Saimon. Pero mukang hanggang dito na lang tayong dalawa. Dahil kahit kailan hindi ko makakayang labanan ni daddy, hindi ko kayang labanan si daddy para sa ating dalawa. Umangat ang muka nya sakin. "Promise that we will fight?" "W-We will fight, Saimon." Niyakap nya ko ng mahigpit at pinikit ko ang aking mga mata. Nakatulog ako na nakasubsob ang kanyang muka sa dibdib ko. Maaga din ako nagising non, hindi a