Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko kay Daddy ang may'ron sa amin ni Saimon dahil sa nagsasawa na ko sa patago naming relasyon. Akala ko maiitindihan n'ya dahil mahal ko si Saimon, Akala ko lang pala. Ngayon nagsisisi ako sa desisyon ko, nagsisi ako dahil sinabi ko sa kanya ang mayro'n sa amin ni Saimon. At sakto non nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit sobrang lamig ng pakikitungo nya kay Ninong Saimon. Wala man nakakaalam sa nangyare sa kanya noong namatay yung Ariel na 'yon. Nagpakamatay si Ariel dahil sa sakit na nararamdaman nito kay Ninong Saimon at Ninang Gabriella. Kaya ganon na lang ang galit ni daddy hanggang ngayon. Pero ang alam namin non ay naging maayos ang lahat. Bakit wala man kaming alam na ganon? Kwento sa amin ni Ninang Gabriella ay naging maayos daw ang lahat