Emosyonal at hindi mapigilang mapaluha ni Darwin habang nakatingin kay Danica na kasalukuyang ikinakasal sa mahal nitong si Christian. Marami ang katulad n'yang lumuluha dahil hindi napigilan ang emosyon habang nagpapalitan ng matatamis na salita at pangako ang mag-asawa. Kasalukuyan ang mga itong nagbibigay ng wedding vows sa isa't-isa at marami sa mga bisita ang naantig sa dalawa. May ilang detalyeng nabanggit ang mga ito kung papano ang mga ito nagsimula at kung ano ang mga trials na pinagdaanan ng mga ito kaya halos lahat ng nasa loob ng simbahan ay lumuluha sa kwento ng naging buhay pag-ibig ng dalawa. Kahit s'ya ay tahimik na umiiyak dahil s'ya ang kasama ni Danica sa lahat ng oras na iyon. Nasaksihan n'ya kung papano ito nadurog, nadapa, tumayo, lumaban at nagpatuloy sa buhay. Hang