Hindi mapigilan ni Darwin ang mapangiwi ng bumangon s'ya sa pagkakahiga buhat sa sofa. Ilang gabi na s'yang natutulog doon pero hindi pa rin masanay ang kanyang katawan. Dahil bukod sa matigas yon at maliit lang, hindi s'ya sanay na matulog sa sofa na halos hindi s'ya magkasya. Ibang-iba sa malaki at napakalambot na kama na kanyang tinutulugan at kinalakihan. Pero tinitiis n'ya lahat ng iyon para kay Laila. Di bale ng araw-araw s'yang makaramdam ng sakit sa katawan, atleast nakikita at nakakasama n'ya ang dalaga sa araw-araw. Sobrang sarap sa pakiramdam na magigising s'ya sa umaga na agad n'yang masisilayan ang dalaga. Ilang araw na siyang nananatili sa bahay ni Laila at walang araw na hindi masakit ang kanyang buong katawan. Dahil sa mga gawaing hindi niya kinalakihan at kinasanayan na k