Naantala sa mahimbing na pagkakatulog si Darwin ng makaramdam siya ng kiliti sa kanyang mukha. Para bang may humahalik sa kabuuan non pero dahil sa sobrang antok pa siya, tamad na tamad siyang ibukas ang kanyang mga mata. Malalim na ang gabi bago siya nakapagpahinga last night dahil may tinapos siyang trabaho. Habang mahimbing na natutulog ang asawa niyang si Laila, siya naman ay nakatutok ang mata sa laptop niya habang nasa ibabaw ng kanilang kama. Nakadikit ang katawan nito sa kanya dahil hindi ito makatulog ng hindi siya nito katabi. Hinahanap nito ang kanyang presensya and even his natural scent. Dahil siya ang pinaglilinhan ng asawa. "Darwin.. Wake up, honey," malambing na anas nito na lihim niyang ikinangiti dahil sa tinawag siya nitong 'honey'. At isa lang ang ibig sabihin non. She