Nagdadalawang isip si Laila kung sasabihin ba niya kay Darwin o hindi ang gagawin niyang pakikipagkita kay CJ. Ang plano niya ay kausapin itong mag-isa ng hindi kasama si Darwin dahil baka magkagulo lang kapag nagkataon. Iniisip din kasi niya ang side ni CJ dahil baka kung anong maging reaksyon nito kapag may kasama siyang iba lalo na at may balak siyang sabihin na dito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Darwin. Lahat-lahat ng ginawa niyang kataksilan dito. Gusto niya ay magkausap muna silang dalawa ni CJ bago niya ipakilala dito si Darwin. Siya muna ang haharap sa dating kasintahan at sana ay maging maayos ang gagawin nilang pag-uusap. Hihingi din siya dito ng tawad dahil naging mahina siya at nagpatalo siya sa tukso. Siya itong unang sumuko at hindi naging matatag sa kanilang relasyon ka