Hindi napigilan ni Darwin ang langhapin ang sariwang hangin ng muli siyang makatapak sa lupa ng Isla Montellano. May ngiti sa labing sumakay siya ng sasakyan para magtungo sa kanyang bahay. He wants to surprise his sister sa pagbabalik niya dahil walang nakakaalam na nakabalik na siya. And he's very sure na masusurpresa ito lalo na ang babaeng nilalaman ng puso niya mula noon hanggang ngayon. Lumipas man ang panahon pero hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Araw-araw siyang nasasabik at nangungulila sa presensya nito pero tiniis niyang lahat ng iyon. Nagtiis siya hanggang sa gumaling ang sugat sa puso niya at ngayon nga bumalik na siya para dito. At sana hindi pa huli ang lahat para sa kanya. It's been three years mula ng umalis siya pero heto at muli siyang bumalik sa Isla. Bumalik si