Naka-unan si Rocky sa malaman na hita ni Thaddeus. Abala ito sa pagsubo ng chips habang ang mga mata ay nasa pinapanood. Samantalang si Thaddeus naman ay nasa laptop ang atensyon. Busy ito sa pagbabasa at pagtipa ng keyboard. Niyugyog ni Rocky ang hita nito. "Hon..." "Sandali na lang 'to, Rocky." "Hmp! Sinabi mo rin iyan kanina!" Nagtatampong sagot ng dalaga. Huminga ng malalim si Thaddeus, pagdaka'y itiniklop ang laptop. Binalingan niya ang babaeng kanina pa nangungulit sa atensyon niya. Kinuha niya ang chips na kanina pa nito pinagdidiskitahan. "Ano ba?!" "Eating junk foods isn't healthy." "Paki alam mo ba? Akin na nga yan!" Pilit na ina-abot ni Rocky sa kamay ni Thaddeus ang chips na kinakain. Bumangon ito. Lukot na lukot ang mukha at hindi maipinta. Seryosong tinitigan