Kumatok si Rocky sa pinto ng silid ni Thaddeus bago iyon pinihit pabukas. Hindi naman pala naka-lock, kaya tumuloy siya sa pagpasok. Nadatnan niya itong nakaharap sa laptop. Maingat ang kanyang hakbang na para bang ayaw niyang makalikha ng anumang ingay. Kagat niya ang ibabang labi. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata. Patuloy sa pagtipa ang mga daliri nito sa keyboard ng laptop. "Hey." Hindi sumagot si Thaddeus. Walang kibo na tumabi siya rito "Galit ka ba? Sorry na please..." Ikinawit niya ang braso sa braso nito at bahagyang niyugyog. Nginitian niya ang binata ng bahagya siyang balingan. Ngunit binawala iyon ng huli. Ngumuso siya. Humilig siya sa matigas nitong braso. Napag-tripan niya iyong pisilin. Gusto nga niyang kagatin kaso baka mas magalit sa kanya si Thadd