Nasa harap ng gastove si Rocky. Hawak niya ang sandok at naghahalo ng niluluto sa kawali. Naka-tali ang buhok paitaas, at halatang hindi man lang nagsuklay. Suot nito ang apron na hello kitty ang design. Ang balakang ay kumikembot sa kaliwa at kanan, habang ang earphone ay nakasalpak sa magkabilang tainga. Solo niya ang buong kusina. Tanging boses lamang niya ang maririnig, sinabayan kasi nito ang tugtog sa iPad ng kantang complicated ni Avril Lavigne. Ang yaya niya na nakasilip sa pinto. Naiiling, hindi malaman kung matatawa ba sa pinanggagawa nito sa kusina. Ang ibang kasambahay naman ay naaaliw na pagmasdan ito sa kusina. Pinag-tabuyan silang lahat ng dalaga dahil nais daw nitong solohin ang kusina. Iyon nga lang, disaster yata ang kinalabasan. Sabog ang mga kagamitan at nagkalat