"Take care, princess." "Yes, I will. Ikaw rin, mag-ingat ka sa pagda-drive." "I will." Hinalikan ni Thaddeus sa pisngi ang dalaga. May malapad na ngiting nakapaskil sa labi nito nang bumaba ng sasakyan niya. "Bye, hon! See you later." Kumaway ito. At ganoon din ang kanyang ginawa. Matapos mawala ni Rocky sa paningin. Pinaandar niya muli ang sasakyan patungo sa opisina. 20 minutes late na siya at may mga meeting pa na kailangan habulin. "GOOD morning, sir." "Morning." Tumuloy siya sa opisina. Nilapag niya ang suitcase sa ibaba ng upuan. Binuksan niya ang unahang butones ng pulo dahil pakiramdam niya'y parang nasasakal siya. Pumasok ang secretary niya. Inilapag nito ang kape niya sa ibabaw ng mesa. "Thanks." "Sir, 30 minutes na lang bago magsimula ang meeting niyo." "Yeah, thanks.