4-She's drunk

2213 Words
ALA SAIS na nang gabi at naroon pa rin sa Thaddeus sa opisina. Itiniklop niya ang laptop nang biglang tumunog ang cellphone sa ibabaw ng mesa. "Rocky?" Kumunot ang noo niya sa sobrang ingay na background. "This is not Rocky, Mr. Alvaro. This is L-Lizaaa, ang magandang kaibigan ni Rockyyyy. Paki-shundo si Rockyyyy, nandito kami sa Qwest." Qwest? "Lashing na lashing si Rocky!" Sigaw ng kabilang linya. Mabilis na pinutol ni Thaddeus ang tawag. Hinablot niya ang jacket at nagmamadaling lumabas ng opisina. Of course he knew that place. Qwest. Woman! Nang makarating sa lugar. Kaagad siyang pumasok at hinanap ng mga mata ang dalaga. Magkahalong pag-aalala at kaba ang naramdaman niya nang makita itong nakalublob sa mesa ang ulo. Inilang hakbang niya ang kinaroroonan ng mga ito. "Owwwhh! You're here! Uwi mo ng maayos si Rockyyyy, broken hearted ang kaibigan ko dahil shayoo! Hmmp!" Naiiling si Thaddeus. Lasing din ang kaibigan ni Rocky. "I'll drop you home first." Itinaas ng babae ang kamay sa ere. "No need. I can manage myself. Hindi pa ako lashing! Iyang bruha na yan ang iuwi mo." Napabuntong hininga siya ng balingan ang dalaga. Binuhat niya ito palabas ng bar. "This is the last time na iinom ka." Kausap niya sa tulog mantika na si Rocky. Namumula ang buong mukha nito tanda ng kalasingan. Inayos niya ito sa upuan bago umikot sa driver's seat. "ROCKY? Jusko! Ano'ng nangyari sa batang iyan?" Salubong ng ina. Tulad niya, kababakasan ng pag-aalala ang mukha. "Please call her dad, 'Ma. Baka nag-alala si tito na hindi umuwi si Rocky. Dito muna siya matutog." "Oh, okay-okay! Magluluto ako ng soup para sa kanya." "Thanks, 'Ma!" Tumuloy sa pag-akyat si Thaddeus sa itaas. Buhat-buhat ang dalaga. Inilapag niya ito sa mismong kama. "Hmm..." Bumukas ang namumungay na mga mata ni Rocky. Hinawakan nito ang sikmura. "Geez, woman!" Pinangko niya muli ito at dinala sa banyo. Saktong pagkatapat sa toilet bowl, sumuka ito ng sumuka. Pati damit ay nasukahan na rin ni Rocky. "Look what you did to yourself! Iinom-inom ka 'tapos hindi mo naman kaya." Sermon niya habang hinahagod ang likuran nito. "Ang tapang mong uminom, anong akala mo sa alak, tubig?" "K-kashalanan mow! Bussswet ka kasshe!" "And now you're cursing me? Kailan ka pa natutong magmura? Ganyan ba ang natutunan mo sa pagbabakarda?" Humikbi ang dalaga. Hinila niya ito patungo sa lababo sa harap ng salamin. Tinitigan niya sa salamin ang mukha ni Rocky. Ang hikbi nito ay natuloy na sa pag-iyak na mas lalo pang ikinapula ng pisngi at ilong. Inipon niya ang nagkalat nitong buhok at hinawakan ng paitas. "Wash your face." Tahimik na sumunod ang dalaga. Pagkatapos ay inabutan niya ng towel. Pinasadahan niya ng tingin ang basang damit nito. "You have to change your clothes, kukunan muna kita ng damit. Don't move, baka matumba ka." Itinali muna niya ang buhok ng dalaga sa nakitang rubber bond, bago nagmamadaling lumabas. Nang bumalik siya. Nakayuko ito sa sink. Inalalayan niya ito para maka-upo sa takip ng toilet bowl. Siya na rin mismo ang naghubad ng basing damit ng dalaga. Pati na rin jeans nito at syempre kinailangan niyang pagtimpi. "Done, let's go outside. Hintayin natin ang niluto ni Mama sa'yo, kailangan mong kumain bago matulog." Walang imik na nagpahila si Rocky sa kanya. Pina-upo niya ito sa gilid ng kama habang naghihintay sa niluto ng ina. Pumasok siyang muli sa banyo para makapagpalit ng damit. Pagkalabas niya. Nakahilig na si Rocky sa headboard ng kama. Lumapit siya sa harap at kinuha ang dalawang kamay ng dalaga at iniyakap sa bewang niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ang alam lang niya, he wants to comfort her to lighten her feelings. "Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" Anya sa masuyong tinig. Sinuklay niya ang mahabang buhok ni Rocky gamit ang mga daliri. Ibinaon naman nito ang mukha sa abs niya. Bumukas ang pinto. Ang mama niya ang pumasok. Umangat nag ulo ni Rocky sa ginang. "Okay ka lang ba, hija? Bakit ka ba kasi naglalasing na bata ka? Thaddeus paupuin mo na 'yan dito nang makakain at makapagpahinga na si Rocky." Inalalayan niya ang dalaga. "Naku! Tingnan mo iyang mukha mo, pulang-pula ka!" "I'm sorry, tita." Hinging paumanhin ni Rocky sa mababang tono. Sinikap lamang na huwag mabulol. "Wag ka nang uulit pa sa pag-inom. Hala! Sige na at kumain ka na. Maiwan ko muna kayo." "Salamat po." Lumabas ang ginang. Umupo si Thaddeus sa tabi ni Rocky. "Kaya ko na, salamat." "I insist. Eat." Nahihiyang ibinuka ni Rocky ang bibig. "Ubusin mo 'to nang bumalik ang lakas mo." Isang tipid na tango ang nakuha ni Thaddeus mula rito. Pagkatapos kumain, bumalik ng upo ang dalaga sa gilid ng kama. Sapo nito ang ulo. "Headache?" "N-no." "Come..." inabot ni Thaddeus ang kamay nito. Umupo siya sa massage chair kung saan narerelax ang kanyang katawan sa tuwing stress siya. Hinila niya si Rocky paupo sa kandungan. Hinilig niya ang ulo nito sa kanyang dibdib. "Sleep, princess..." anya. Hinahagod niya ang ang buhok nito. Sa kabila ng pagtutol niya na hindi sumang-ayon sa kagustuhan ng ina. Hindi pa rin niya magawang pabayaan ang dalaga. Nasanay na siya sa ingay at pangungulit nito. Aaminin niya na hindi kompleto ang araw niya sa tuwing hindi nasisilayan ang mukha ni Rocky. She is his stress reliever. "Ayoko nang uminom ka ulit. Paano kung may lumapit sa'yo at pinagsamantahan ang kalasingan mo? Baby, do you hear me? Do you understand what I'm saying? Ayokong mapahamak ka. Ayokong may mangyaring masama sa'yo." "Pinapaasa mo na naman ako." Natigilan siya sa sagot ng dalaga. Hinaplos niya ang likod nito. "I'm sorry, sana maintindihan mo. You're too young, maraming bagay ka pang pwedeng gawin. And I want you to experience that things. Don't rush yourself to settle down. Because I'm a possessive person, ayokong may kalahati sa pagmamay-ari ko." "Wala ka namang kahati sa'kin." Inangat niya ang mukha ng dalaga. "Princess... listen, baby... Hindi isang laro ang kasal. May mga bagay na kailangan mong isakripisyo sa oras na lumagay ka na sa tahimik." "I'm willing to sacrifice whatever those this things are." "We'll talk again, tomorrow. Kailangan mo nang magpahinga." "I don't want to rest, yet. I still want to talk." "Don't be stubborn, Rocky." "I'm not being stubborn, it's you who always despise me. When all I want to do is to love you." "You're drunk." "Yeah, I am. I may be drunk but my mind is still intact." Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan. Tulalang nakatingin lamang sa kesame si Rocky. Naiinis siya. Inis na inis sa sarili. "I should get going. Thanks for fetching me." She tried to get off from his gripped. "You think, I let you go home by yourself in the middle of the night? Hell, no! Not if you're drunk. Look at yourself? You're supposed to be snoring by now and not suffering like a drunkard ass." Niluwagan ni Thaddeus ang kamay at hinayaan na makatayo si Rocky. Umupo ito sa kama. "Stop lecturing me! I don't need that and you even not my father to lecture me!" She shrieked as she cover her ear. Thaddeus felt guilty. He stood up and left the room. As soon as he went out. Rocky sobbed. Tumayo ito sa kama ni Thaddeus. Lumapit sa madilim na terrace at naupo sa sahig, leaning her back at the wall. Hinayaan niya na mamalisbis ang masaganang luha. Damn that alcohol! Parang hinahalukay na naman ang sikmura niya. Tumakbo siya sa banyo ng madama ang pangangasim ng sikmura. Batid niya na masusuka na naman siya. "This is hell! Thanks to that gooddamit, alcohol!" Hinagod niya ang dibdib, habol niya ang hininga. "I am piece of a s**t! Why does people dislike me? Am I ugly? Am I hard to love? Bullshit! I hate this life!" Naghilamos siya para mabawasan ang pamumula ng pisngi. Mariing tinitigan niya ang sariling reflection sa salamin. Malinaw na nakikita niya ang sarili. Kaya siguro hindi siya magustuhan ni Thaddeus dahil sa ugali niya. O may mali talaga sa kanya? "Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit kay Thaddeus ka pa nagkagusto? Gayong wala namang ginawa ang lalaking yun kundi ang saktan ka. At ikaw naman na ubod ng tanga, iiyak-iyak. Bakit? Kayo ba ni Thaddeus para umiyak ka na parang tinraidor ka niya?" Nais niyang suntukin ang salamin para mabasag. Damang-dama niya ang panghihina ng tuhod. Ingat na ingat siya sa paghakbang, baka kasi matumba siya at masubsob sa sahig. Binuksan niya ang pinto ng banyo, para lamang malaman na naroon si Thaddeus. Sa tipo ng hitsura nito, mukhang kanina pa naroon ang lalaki. Inirapan niya ito at nilampasan. Nagulat siya ng biglang hiklatin ni Thaddeus ang braso. "Ano ba!" "Will you stop yelling at me for f***s sake, Rocky!" "Then stop yelling me, too! And let go of my arm." He released her from his gripped. She angrily headed towards the door but before she could turn the knob. He gripped her in the waist and put her back on bed. "Sleep." He ordered with a dangerous warned. She shoot him a sharp gaze as if she wanted to kill him. "Now who act like an asshole, boyfriend?" She mocked. Hindi nagpakita ng ano mang reaksyon si Thaddeus. Kinuha niya ang unan at hinagis sa binata. Pinulot naman nito at ibinalik sa kama. "I'm tired, Rocky. Can we just sleep? Stop that attitude, you're not a child anymore." She sobbed. Dahil sa inis, umiyak na lamang siya. Sumampa ang binata sa kama at hinila siya pahiga. Na out balance siya kaya tumama ang ulo niya sa dibdib nito. Masuyong hinaplos ni Thad ang kanyang buhok. "Sshh... stop crying. I'm sorry kung napagalitan kita, I'm just too worried, you know? Maraming masasama ang nasa labas, paano kung pagkatuwaan ka ng may yun, gayong lasing na lasing ka?" "Kaya ko naman ang sarili ko at alam ko ang ginagawa ko. Hindi na nga ako lasing, kita mo tuwid na akong magsalita!" "You're a woman, sabihin na natin na kaya mo ang sarili mo. But you still need a man who could protect you. And I'm afraid that I wasn't there to protect you." "I'm not your responsibility, though. So no need to worry about me." "Still stubborn, aren't we?" "I hate you." "I believe you don't." "Now I did." "Hmm, I don't think so." Umingos si Rocky. Tinusok-tusok ng daliri ang dibdib ng binata. Pinagapang niya ang kamay pataas at pababa. Hindi na siya lasing, medyo maayos na ang kanyang pakiramdam. Umiikot nga lang ang ulo niya. "Rocky, stop that." Pigil hiningang sita ng binata. "Patingin! Silip lang." "s**t!" He took her hands abruptly as she rolled an eye ceilingward. "You really don't know what you are doing, woman. Stop that naughty hands of yours." "Walang ginagawa ang kamay ko, ah!" Depensa niya na may ngiti sa labi. Pero syempre, nakatago ang mukha niya para hindi makita ni Thaddeus. "Rocky." He warned. "Patingin kasi kung mahaba o malaki." Tumayo bigla si Thaddeus at iniwan siya. Pumasok ito sa banyo at mukhang alam na niya kung ano ang ginawa ng lalaki. "Hmm! Bango!" Kinuha niya ang unan nito at isinubsob ang mukha. Ini-imagine pa niya ang mukha ni Thaddeus. Na-guilty siya. Kinuha niya ang nakatakip na unan sa mukha at tumingala sa nakasaradong pinto ng banyo. Kalahating oras din ang lumipas bago niya narinig ang pagbukas ng niyon. Ibinalik niya ang unan ng binata at nagkunwaring tulog. Mamaya-maya lang, umuwang ang kama. Kaagad na pumasok sa ilong niya ang bagong paligo nitong amoy. Alanganing yumakap siya rito nang mahiga sa tabi. "I'm sorry..." anya sa mababang tinig. Halatang may kasalanang nagawa. Hindi sumagot si Thaddeus bagkus hinila siya at niyakap. Ipinatong ang ulo niya sa braso nito. Napangiti siya. Hindi galit si Thaddeus sa kanya. Nagmulat siya at ngumiti. Tumaas naman ang kilay Thaddeus. Kinabig ang ulo niya at ibinaon sa dibdib nito. "Your hands is clever, remind me to handcuff it next time." Tumawa siya ng mahina. "Sorry, my fault." "Still smells alcohol. I assume you're still drunk so all right, you're forgiven." Ikiniskis niya ang tainga sa dibdib nito at mariing pinakinggan ang t***k ng puso. "Thank you, Thad." "For?" "Taking care of me. Kahit na binasted mo pa rin ako. Ayos lang, kasama naman kita ngayon at katabi pa. 'Di bale nang mabasted mo ako araw-araw, basta lagi lang ganito. Katabi at kayakap kita." "You have to enjoy your youth. Minsan ka lang maging bata. It is like once in a lifetime opportunity that you have to grab; enjoy and cherish it." "I'm enjoying my life, if you haven't ask. I love courting you." Nagkasalubong ang kilay ni Thaddeus. "Courting me or pestering me?" Humagikhik si Rocky at sumiksik lalo sa dibdib niya. "Both." He grinned and tapped her back. "It's time to sleep, princess." "Good night, Thad." "Good night, Rocky." "Dream of me." "No need, because you, lying beside me is already a nightmare." "Ang sama mo!" He laughed. "I'm kidding, now close your eyes, because we really have to sleep," kusang pumikit ang mga mata ni Rocky dala na rin sa pagod na naramdaman. TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD