Tumalikod si Thaddeus at kumuha ng damit. Nagbihis siya bago lumabas ng silid. Pagbalik, bitbit niya ang pagkain para sa dalaga at mayroon ding gamot. "Bumangon ka na at kumain nang sa ganoon maka-inom ka ng gamot at nang mawala ang sakit ng ulo mo." "Hmp, mamaya na!" "Kumain kana ngayon at nang maihatid kita sa inyo." "Ayoko pang umuwi." "Rocky." "Dito na muna ako. Ayoko pang umuwi." "Wala kang kasama dito, aalis si Mommy at may pupuntahan ako." Umayos ng upo ang dalaga sa kama. Magulo ang buhok nito at wala sa ayos ang kasuotan. Magkasalubong ang kilay nang tumingin kay Thaddeus. "May date ka? Pauuwiin mo ako kasi magkikita kayo ng girlfriend mo?" "Wala akong sinasabing ganyan." "Kung hindi ka makikipag-date saan ka pupunta? Bakit kailangan mo pa akong pauwiin?" "Rocky, stop