HINDI pa man naipapasok ni Mayor ang dila nito sa loob ng bibig niya nang itulak niya ito nang pagkalakas. Talagang inipon niya iyon para matapatan ang lakas nito. At nagawa nga niya, na sinundan niya ng suntok sa mukha nito at sipa naman sa tiyan nito na ikinatumba nito sa buhangin. “D-Dana…” Napangisi siya. “Akala mo, madadala mo ako sa pahalik mo, Mayor? Hindi, Mayor! Kaya umuwi—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makarinig nang sunod-sunod na pagkasa ng baril. Dahan-dahan niyang nilingon ang mga nagkasa ng baril. Napangiwi siya nang makitang dalawang bodyguard iyon ng alkalde at pangatlo si Grecco. Ang walang hiya, talagang tinutukan siya ng baril? May pagbabantang tiningnan niya ang kaibigan. “Itaas mo ang kamay mo, Miss San Jose,” anang isang bodyguard ni Mayor. Akmang