“I WANT you back, Dana. I want you back in my life.” Namalayan na lang niyang nakalapit na ito sa kanya. At isang dangkal na lang ang pagitan nila noon. “Hindi ako maka-concentrate sa opisina dahil wala ka. Ukupado mo ang isip ko dahil… dahil sa Jarvey na iyon. Alam mo, sa totoo lang, ayokong may umaaligid sa ‘yo na lalaki. I hate it kapag may iba kang nginingitian at kaharutan! Dana, I'm a jealous person. At nagagalit ako dahil mas pinili mo siya kay sa sa akin kahapon.” Hinaplos nito ang mukha niyang may sabon pa. “Pero hindi kita pipilitin dahil ayaw mo nga. Nirerespeto kita sa maniwala ka’t sa hindi.” Ngumiti pa ito habang nakatitig sa labi niya. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang paglunok nito. “Alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa ‘yo noon. Ang mga salitang nabitawan