NAPASINGHOT siya paggising niya nang maamoy ang mabangong aroma ng kape. Kahit ang amoy ng sinangag at daing ay amoy niya rin mula sa kinahihigaan. Bigla tuloy siyang nakaramdam nang gutom. Napabalikwas siya nang bangon nang maalala si Mayor. Tumingin siya tabi niya. Napakunot siya ng noo nang mapansing nasa gilid na ang unan ni Maliyah? Bakit? ‘Di ba, nasa gitna ang anak? How come na nasa gilid na? “Mayor!” naisatinig niya sa sobrang inis. Ang aga-aga nitong bwisitin siya. Hindi kaya minanyak siya kagabi ng alkalde? Nakainim pa naman siya. Kay siguradong… Pinilig niya ang ulo para palisin iyon. Pero natigilan siya nang makita ang anak na nakatunghay sa kanya habang ang alkalde ay nasa likuran nito na may hawak na spatula. “Tinawag mo ako?” Napasimangot siya. “Hindi kita tinawag.”