NAIKUYOM na naman ni Eric ang kamao nang makita ang pagpasok ng kapatid sa yateng kinaroroonan nila ni Sebastian. Kapag naalala niyang kinidnap nito ang nobya niya ay nanggigil siya. Para lang makuha ang atensyon niya raw? Wow. Kuhang-kuha na nga nito ang atensyon niya dahil sa pinaggagawa ng grupo nito sa Tintian. Isa talaga sa rason kung bakit ayaw niyang harapin ang Tinitian, kadugo niya ang kasangkot. At hindi lang ‘yan, utos din ng ama niya. Kaya hindi niya alam ang uunahin. Responsibilidad bilang ama ng Caramoan o anak at kapatid? Pero kung siya lang ang masusunod, uunahin niya ang responsibilidad sa bayan. Ginusto ni Dion ang panindigan ang pinili nitong landas kaya wala na siyang pakialam sana doon. Kaso, ang ama niya ang nagdesisyon. Hangga’t hindi raw nito nakakausap ang anak