ANO? Si Eric ang kapatid ng lalaking iyon? How come? Sa pagkakaalam niya, nag-iisang anak lang si Eric. At mukhang ini-expect nitong darating ang kapatid nito na tinutukoy. Kaya bakit nandito si Eric? Ang nobyo ba ang kausap ng lalaki kanina? Hindi niya naabutan ang lahat pero parang inaabangan ng lalaki ang pagdating ng kausap nito. Muli siyang napatingin sa baba nang marinig ang pagbasag. Hindi niya masabi kung anong klase iyon pero nag-aalala siya kaya naman mabilis na tumakbo siya palabas para umawat dito. “Oh my God,” aniya nang makitang TV pala ang nabasag. At nagbubuno ang dalawa. May nakita siyang baril sa upuan, dalawa pero parehas na walang kumuha niyon. Kita niyang dehado na ang kalaban ni Eric dahil mas marami itong tama at marami nang dugo sa ulo nito. Kay Eri, mukhang p