TAKOT agad ang naramdaman ni Dana nang makita ang pagdami ng usok. Tumingin siya kay Maliyah na noo’y napaupo na at nakaramdam na ng takot. “W-what’s that, Mama?” nauutal na tanong ng anak. Hindi siya nakapagsalita kaya ito na rin ang sumagot sa tanong nito. Obvious naman kung ano ang nakikita nito. “M-may sunog po?” Kinukuha niya noon ang telepono na nasa side table para humingi nang tulong. Pero nang maalala ang usok ay ibinigay niya kay Maliyah iyon at sinabing tawagan si Sebastian. Pumunta siya sa kabinet para maghanap ng makapal na tela. Naalala niya, binura niya nga pala ang number ni Eric sa phone niya kaya si Supremo ang pinatatawagan niya. “I can’t find his number, Mama!” sigaw ni Maliyah. Oo nga pala. Hindi naman Sebastian ang pangalan na nakalagay sa contact niya. “S ang