“HEY, what happened?” Papungas-pungas pa si Thy nang pagbuksan siya ng pintuan. “Anong nangyari kagabi? Sino ang may pakana no’n?” Nakapameywang pa siya. “Ang alin ba?” “Sino ang nag-uwi sa akin kagabi na walang malay?” Ngayon lang nag-sync-in sa isipan niya na posibleng mga tauhan ni Supremo lang may gawa no’n sa kanya. “Oh.” Kumamot sa ulo si Thy. “I think, mali ka nang sinugod.” “Bakit? Sino ba dapat?” “Nasa kabilang sasakyan ako. Malay ko kung anong nangyari. Basta ang alam ko, matagal kaming huminto. Dahil busy ako sa laptop ko, hindi ko nakita kung paano ka nakapasok sa sasakyan ni Mayor. At nakita ko na lang na pangko ka niya papasok ng bahay niya.” “Eric!” Naikuyom niya ang kamao niya sa sobrang inis. Dalang-dala na siya dahil ang akala niya, knight and shining armor na niy