“WHAT?” nakangiti at nakataas ang kilay na sabi sa kanya ni Grecco. Sumisipsip ito ng ice candy na galing sa mini-ref niya. Ah, ‘yan ang pinagkakaabalahan niya habang nakatunghay sa screen nitong nagdaan. Talagang gumawa siya kasi panay na katok niya sa baba. Nakakahiya kasi minsan kumakain ang mga ito o ‘di kaya may ginagawa, naaabala niya. Hindi niya tinanggal ang mga kamay sa baywang niya at hinarap pa rin ito. “What-what’n ko kaya ang mukha mo! Anong ginagawa ni Red kanina doon? At paano niya nalaman na nandoon ako? Akala ko pa naman matutulungan niyo ako sa pagtago,” Tumingin siya kay Thy na nakasimangot. Malamang, wala itong kinalaman. “Tapos ano? Kayo rin pala magkakanulo sa akin? Huh!” “Aba’y malay ko. Driver lang niya ako, Tres.” Tumawa ito kaya sinamaan niya nang tingin. “But I