“MISS Dana, pwede na ho ba itong design?” Wala sa kaharap ang isip niya. Ang layo. Nagpaalam ang asawa na may kikitain sa labas. Dapat sabay silang mag-lunch ngayon kaso, wala ito kaya mag-isa lang siya. Wala na siyang matawagan na Thy o Grecco para humingi ng update dahil bumalik na ang dating personal bodyguard ng asawa. At ang sabi ni Supremo, nandito naman daw siya kaya pinull-out nito muna ang dalawa. “Miss Dana,” untag ulit sa kanya ni Lolita. “A-ano nga ulit ‘yon?” “‘Yong ganitong design po ng cake.” Tinuro nito sa kanya ang tie n collar cake. Gaya ng theme na napili niya, black and white, bagay iyon kaya sumang-ayon siya. Tumayo siya at iniwan na lang dito ang ibang aasikasuhin nitong tatawagan. Na-finalize naman na ang venue, sa Hotel De Astin iyon. Sabi kasi nito, siya na