NAGPAPASALAMAT si Dana ng mga sumunod na araw, naging abala siya sa pag-aayos ng birthday party ng asawa. Maging ang asawa rin sa opisina. Nagsimula na kasi ang project nito at ng mga Davis. Panay ang luwas nito ng Maynila. Hindi siya sumasama dahil hindi naman sila okay. Nakakabuti sa kanya. Lumala pa nga ang inis niya rito dahil ito pa ang may ganang hindi siya kibuin. Kinibo niya ito kinabukasan pagkatapos ng ginawa nito sa kanya pero wala itong imik, hindi man lang sumagot kaya nasaktan siya. Napahiya siya dahil may mga kasambahay noon. Kaya simula no’n hindi na niya ito kinikibo kapag personal, pero kapag tungkol sa opisina, pinapansin niya. Hindi rin naman ito pwedeng hindi sumagot dahil trabaho iyon. Sa gabi naman, kapag nakakatulog na ito, lumilipat siya sa kabilang kama at doon