NAKANGITING sinalubong nila ni Eric isa-isa ang mga bisita nito. Walang bakas sa labi niya ang lungkot. Magaling siyang artista talaga. Sanay siya sa mga ganito kasi. Nasa tabi niya ang alkalde habang kamay nito ay nakayakap sa bewang niya. Hindi napunit ang ngiti niya hanggang sa pagdating ng magulang nito at ni Dhalia, kasama ng magulang ng huli. “Happy birthday, Mayor Eric,” bati ng ina ni Dhalia. “Napakagandang lalaki talaga balae ng anak mo.” Baling nito sa ina ni Eric. “Kanino pa ba magmamana,” ani naman ng ina ng asawa. Tumaas ang sulok ng labi niya. Asawa nga ba? Humiwalay siya sa mga ito nang si Dhalia na ang lumapit kay Eric. “Mayor Ice!” masayang bati niya sa bagong dating na alkalde, kasuno si Supremo. Nakita niya ang pagtingin ng huli sa kausap ni Eric. “It’s so good