Chapter 57: Honeymoon

1875 Words

NAKANGITING kumaway sila ni Eric bago sumakay sa sasakyan. Naiwan si Sebastian at Mayor Ice na noo’y may hawak pa na kopita. Mahigit dalawang oras ding nag-usap ang mga ito habang siya ay pinagpahinga saglit ng asawa sa guestroom ng bahay ng alkalde kanina. “Asawa,” ulit niya sa isipan. Napatingin siya sa kamay niya nang maramdaman ang pagdampi doon ng kamay nito. Kasunod na nga niyon ang paghatid nito sa labi nito at hinalikan. “Can’t wait to see you naked tonight, my little wife,” nakangiting sabi nito. Namula siya sa narinig. Nabitin yata ito sa paunang honeymoon nila kanina. Pero nang maalala ang bagong endearment nito ay umingos siya. “Little wife pala pero inasawa mo? Ayan ka na naman!” kunwa’y piniksi niya iyon. Saka nagmamaneho talaga ito. Baka pagmulan pa iyon ng aksidente.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD