“LOOK who's here! Mayor Eric Smith is in the house!” nakangiting bati kay Eric ni Mayor Ice na noo’y pababa ng hagdanan. Nakasuot lang ito ng puting shirt at pajama ng mga sandaling iyon. Walang kupas ang kagandahang lalaki nito. Muli pinasadahan nang tingin ni Dana ang alkalde. Mukhang matutulog na yata kaso dumating sila. Ngumiti si Eric dito nang matamis na nasa tabi niya. “Hindi naman siguro kami nakakaistorbo?” “Um, medyo?” Tumawa pa ang alkalde. “How come you are here at this hour, man?” Tinuro nito ang sofa. “Maupo kayo. Feel yourselves at home.” “Thanks. Um, you owe me one, remember?” Umawang ang labi ng alkalde sabay tingin sa kanya. “Oh my God. Naniningil ka na? Nang ganitong oras? Hindi ba pwedeng bukas?” “Gusto ko ngayon na, Mayor.” “Wala kang pinagkaiba sa mga kaibig