RAMDAM ni Dana ang kahungkagan sa labas kaya iginiya niya ang sarili pabalik na sa loob ng banquet hall. Magpapaalam lang siya kay Dennis na uuwi na. Saka baka malaman ng kapatid na umalis siya ngayon, magagalit iyon. Ang Yaya lang ni Maliyah ang kasama nito kasi. Hindi pa man siya nakakapasok sa mismong banquet hall nang harangin siya ni Dhalia. “Nakita mo ba si Eric? Kanina ko pa siya hinahanap, e,” tanong nito na ikinaangat niya ng kilay. Inilinga niya ang paningin. Nang makitang sila lang ang nandoon ay hinarap niya ito nang nakataas ang noon. “Oh, kasama ko lang kanina sa banyo. Hindi pa ba bumabalik sa kandungan mo?” Naningkit ang mata nito sa narinig. “W-what do you mean magkasama? N-nag-make out kayo s-sa banyo?” Tumaas ang sulok ng labi niya sa naging reaksyon nito. Pani