Chapter 75: Doctor Eric

1220 Words

GUSTO niya sanang itulak si Eric pero hindi niya magawa. Nakatingin sa kanila ang anak at tinatanong din siya. “Okay ka lang po ba, Mama?” “O-okay lang ako, anak.” Nang marinig ang sagot niya ay ibinaling ni Maliyah ang tingin sa nakahain. Kumuha ito ng chicken nuggets at kinain iyon. Dinig pa niya ang pagsabi nito ng hmm, yummy. Kinurot niya si Eric. Gusto niyang sabihin sana na bitawan siya. “Hey. Gusto ko lang naman malaman kung may lagnat ka.” “Wala akong lagnat kaya bumitaw ka,” bulong niya rito. “Wala pala. So, bakit ka mainit?” anito kapagkuwan. Sinundan nito ng kakaibang ngiti kaya nainis siya. Wala naman talaga siyang lagnat. Hindi lang niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang uminit ang pakiramdam niya. “Bitaw,” mariin niyang utos rito. Iniiwasan niyang sagutin i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD