BIGLANG natanggal ang pagkakaunan ni Eric sa kamay nito. Nahulog ang ulo nito sa unan. Sa kisame na ito nakatingin. Siguro naman nasagot na niya ang tanong nito. Bumaling sa kanya ang alkalde. “I-I am so sorry, baby. Ngayon lang bumalik sa isipan ko ang bagay na ‘yan. Nasabi mo nga pala pero binalewala ko. God!” Muling napatingin ito sa kisame. Napahilamos pa ito gamit ang kamay. Naupo siya kapagkuwan. “Naiintindihan mo na kung bakit hindi na ako nag-abalang magsabi sa ‘yo? Kahit sa mga kapatid ko, hindi ko sinabi dahil baka hindi rin nila ako paniwalaan. Mas masakit iyon lalo dahil pamilya ko sila. Kaya para maiwasan, tinago ko na lang ang lahat, Eric.” Ngumiti pa siya nang mapakla ulit. Mukhang naghihintay si Eric ng mga sasabihin pa niya. “Alam mo ang isa pang masakit kung bakit b