“WHAT time is it, Dana, huh? Saan ka galing? Bakit ka naman umalis nang hindi nagpapaalam? Hindi mo ba alam na may kasama ka rito sa loob ng…” Nakaawang lang ang labi ni Dana habang hinahayaang magsalita si Mayor. Ah, ang dami nang sinabi nito. Sumasakit na ang ulo niya sa antok tapos ganito pa ang salubong nito sa kanya. Para bang asawa ito na kinana pa naghihintay sa pagdating niya. “Tapos ka na po ba sa speech mo, Mayor? Pwede na po ba akong matulog?” aniya nang ikinatigil niya. “What?!” Kunot ang noo nito habang sinasabi iyon. “Ang haba ng sinabi ko, tapos ‘yan lang ang isasagot mo?” “Ano bang gusto mong marinig sa akin, Mayor? Huh?” Saglit na natigilan si Mayor. Lumunok din ito. “You…” Kasabay niyon ang pagkuyom nito ng ngipin. Kailangan na ba niyang matakot? Tumaas lang an