HINDI tumitingin si Eric sa pansamantalang driver niya ngayon. Walang iba kung hindi si Dana. Yeah, si Dana. No choice ito dahil masakit ang paa niya. Actually, nakaraan pa ang sugat niya sa paa dahil sa sobrang inis din kay Dana. Nasipa niya ang pader sa silid niya. Tapos nalaglagan pa ng bagong biling telepono niya. Kaya sa sobrang gigil niya rin, naitapon niya rin iyon. Durog, gaya ng paa niya ngayon. Hindi na kasi niya alam kung paano ba ito mapasunod sa kanya. Para pang china-challenge siya nito– ang pasensya niya pala. Saka ito lang ang babaeng gumawa nito. At ayon nga, dinagdagan nito kanina kaya nahirapan siyang maglakad ngayon. Kaya naman lalong lumala tuloy ang sugat niya sa paa. Ilang araw na rin niyang iniinda ito. Hindi lang niya pinapahalata. Hindi niya kasi alam ang isasag