“MATULOG ka na pag-alis namin, huh?” Karaga niya noon si Maliyah at palabas sila ng bahay. Mabigat ito pero kaya naman niyang kargahin. “Opo, Mama.” “Very good. Happy ka ba ngayon?” “Super, Mama Dana. Kasi po nakita ko na naman si Mayor. Sana po, sa susunod magtagal po kayo dito. Mami-miss po kasi kita ulit.” Halata ang lungkot sa mukha ng anak matapos nitong sabihin iyon. Natigilan siya sa narinig. Nitong nagdaan, isang beses na lang niya kasing tawagan ang anak. Pero walang ibang sisisihin kung hindi si Mayor. Naging busy siya masyado dahil dito. Natawagan lang niya yata ang anak ng tatlong beses nang hindi siya pumasok sa unang araw niya sana dito. “Damihan ko na lang siguro nang tawag sa ‘yo, anak.” Ngumiti sa kanya si Maliyah nang marinig ang sinabi niya. “Sige po,” ang cute nit