INIWAN ni Terrence ang itlog sa kusina saka muling lumabas para kunin ang kuwarenta y singko niyang baril sa kotse. Nakalagay lang ito sa drawer sa harap ng kotse. Nang makuha ay isinukbit niya ito sa kanyang tagiliran, inipit lang sa garter ng kanyang boxer shorts. Papasok na siya sa bahay nang may malalambot na kamay na namulupot sa baywang niya. Pamilyar sa kanya ang amoy nito, amoy na bilad sa araw pero naaamoy pa rin niya ang pabango nito. It was a girl. Tinampal ni Terrence ang kamay ng babae na gumagapang sa baywang niya at umakyat sa kanyang dibdib. Nakasukbit pa naman ang baril niya. Dumaing ito. "Bakit ang sungit mo ngayon fafa Terrence?" malanding tanong ng babae. Lalo pang lumingkis ang mga kamay nito sa katawan niya. Fuck! Nilaro pa ng kamay nito ang dunggot niya. Nagwawal