MABUTI na lang nakaalis na si Talia. Wala nang nakakairitang kalat sa paningin niya. Suki pala ni Terrence si Talia sabi ni Seth. High profile prostitute si Talia. Hindi ito pumapatol sa pipityuging lalaki. Alaga ito ng isang hotel na may club sa may Pampanga. Mahusay raw talaga itong prostitute pero sabi naman ni Terrence ay malinis ito. Updated ang medical nito. Pero kahit na, naiinis pa rin siya sa katulad nito. Kung sinu-sinong lalaki ang gumagamit dito. Naiinis siya kay Terrence dahil sa pagkahilig nito sa ganoong babae. Bumiyahe si Seth kinabukasan at malayo-layo na kaya hindi na siya sumama. Maaga itong umalis kasama ang mga tauhan nito. Bibili raw kasi ito ng isa pang truck sa Subic. Naiwan silang dalawa ni Terrence sa bahay. Nang magising siya ay naabutan niya ito sa kusina at